Sunday, November 16, 2008

Can I Have The Last Dance? Chapter 3

Chapter 3 : A Night to Remember

 

Krrrnnng!!!” tunog ng alarm clock. Alas siete na pala, kailangan ng bumangon. First day of work today kaya dapat hindi malate.

Sobrang excited ako sa araw na ito dahil ito na ang simula ng panibagong kabanata ng aking buhay. Pangako ko sa sarili ko na magiging maayos ang lahat.

Habang nag iintay na makaakyat sa 25th floor ang elevator, panay ang dasal ko, lahat na yata ng kilala kong santo ay natawag ko na for their prayers. Ibang-iba ang opisinang nakita ko nuong isang lingo. Ngayon ay puno na ng tao. Maligalig at maingay, nakikisabay pa ang mga ring ng telepono at tunog ng mga printers.

Sinalubong ako ni Ms. Evelyn at sinabing “Good morning Mr. Jorge, how was your trip?”, “Oh hi Ms. Evelyn, good morning too. It was great, thanks.” Nakangiting sagot ko. “Please follow me and I will endorse you to Mimi, she is one of your staff and she will orient you on your work load.” Naglalakad kami papunta sa cubicle ko habang sinasabi nya ang mga ito. At ng makarating kami sa cubicle, nandun na ang tatlong staff na subsob sa trabaho. “And by the way, Mimi is also a Filipino.” Inabot ni Ms. Evelyn ang isang folder kay Mimi at kinindatan kami pareho. Bigla akong nabuhayan ng loob ng malaman kong pinay sya at least may kababayan akong staff na pwede kong mapagtanungan at makausap.

“Ang bata mo pa pala.” Pabirong sabi nya. “Bakit? Ano ba ang ineexpect mong edad ko?” sagot ko naman, parehas pa kaming nakatayo sa pasukan ng malaking cubicle namin. “Yung dati naming boss ay 40 years old na, nalipat sya sa Damansara Office, napromote.” Sagot nya. “Ah ganun ba? Eh bakit parang masaya ka?” binigyan ko sya ng magandang tingin. “Wag mo kong tingnan ng ganyan, nde kami nagkaroon ng magandang experience sya sa kanya, period.” Sagot nya na dapat wala na akong follow up questions.

Pumasok na kami sa cubicle at andun na nga ang natitirang dalawang lalaking staff. Pinakilala nya muna si Wai Yen, sya daw ang boyfriend nyang Chinese at ang English name nya ay Nick. Tas si Sin Fu ang autistic sa grupo, may sarili daw syang mundo pero sobrang talino. Buwan-buwan daw ay 100% ang accuracy nya sa mga reports ang English name nya ay Tommy.

“Asan ung isang staff?” pagtataka ko dahil past 9am na wala pa. “Malalate daw today kasi may dadaanan pa, anyway, kukunin naming ang number mo para sa susunod ikaw ang iinform naming.” Sagot nya. Nagpasalamat na ako at dumerecho sa table ko ng dumating ang isang babae na hinihingal sa pagod, halatang tumatakbo.

“I’m sorry, I’m late.” Sabi nya sa lahat, medyo nakayuko  malamang nahihiya lalo na sa akin. “I’m sorry, but have we met before?” tanong ko. Nagtinginan ang lahat pati si Tommy na may sariling mundo. Para akong sinisilaban ng apoy sa kinauupuan ko dahil parang pamilyar ang mukha nya sa akin, parang nakita ko na sya pero nde ko matandaan kung saan.

“He is our new team leader.” Bulong ni Mimi sa kanya. “Hi, goodmorning. My name is Chou Wei, you can call me Annie. I’m sorry I was late..” bati nya sabay shake hands. Pinutol ko na ang sasabihin nya dahil nde ako interesado sa dahilan nya kung bakit sya late. Interesado ako kung san ko sya nakita.

“Yeah, it’s you!” nagkatinginan ulet ang lahat. “Me?” tugon nya. “Yeah, you are the one who fainted in the church last week, don’t you?” naalala ko na! Sya nga ung bumagsak sa tabi ng kinauupuan ko sa simbahan nuong isang lingo bago ako umuwi ng Pinas. Sya ung may kasamang nakatatandang babae at ung binuhat ng lalaki palabas.

Bigla syang namutla, nautal, nde alam ang sasabihin. Ibubuka na sana nya ang kanyang bibig ngunit binigyan nalang nya ako ng isang ngiti. Napakamisteryoso.

“Magstart na tayo sa orientation?” putol ni Mimi sa katahimikang naganap. “Okay, let’s start.”

--

Madali lang ang trabaho ko. Pareho lang ng trabaho ko nung nasa Genting pa ako. Ang kaibahan lang ay taga check nalang ako ng mga gawa ng mga staff ko at taga amend kung kinakailangan.

Madali ko ding natutunan ang flow ng business ng department namin. Nakilala ko na din ang mga nasa ibang cubicle, ang mga nasa ibang department at mga big bosses. Sa madaling salita, naging friendly ako, marami akong naging mga kaibigan sa maikling panahon. Kasama ko lagi ang mga staff ko tuwing lunch break at sabay sabay kami laging umuuwi. Lagi kaming nagkukwentuhan at nun ko napansin na masayahin pala si Annie, palabiro at kwela. Sya ang bumabangka sa grupo. Pansinin sya ng mga kalalakihan dahil sa angking kagandahan. Makinis, mahaba ang buhok, katamtaman ang taas at pangangatawan. Tipikal na Chinese ang itsura, mamamangha ka talaga.

“Hahaha, I never thought that you are that funny, Annie!” tawa ko sa mga jokes nya habang kumakain ng lunch sa canteen. “Well, that keeps us look young, right? And our life is very short that we should enjoy every moment of it.” Tugon nya na patuloy parin sa pagtawa. Namangha ako sa sagot nya, kakaiba ang pananaw nya sa buhay. Laging positive.

“Oh by the way, as far as I know, your Chinese names has its meaning, right?” naalala ko lang ito dahil nakita ko ang ID nila na ang nakasulat ay ang Chinese name nila. “For me, my name means ‘success’” sagot agad ni Nick na proud na proud. “Mine means ‘good luck’” tugon ni Tommy sabay yuko at higop ng soup na para bang walang nangyari. Sumunod na nagsalita si Annie, “Actually my father chose my name, because he said when I’m still a baby, I always smile and laugh tirelessly that’s why they call me Chou Wei, its Happiness or Joy in English.” Muntik na kong malaglag sa upuan ko at nasamid, naku nmn, talga kayang nanadya ang tadhana at parehas pa sila ng pangalan ni Joy?

--

“I’m done” sabi ni Tommy sabay abot ng folder nya for checking. Month end na kaya madaming trabaho at lahat ng nasa opisina ay subsob sa kanya kanyang mesa. At dahil si Tommy ang pinakamatalino sa lahat, sya ang unang natatapos with 100% accuracy, sya ang naghahawak ng buong Selangor/ Kuala Lumpur State.

Natapos silang tatlo sa pag generate ng reports at natapos ko na ding icheck. Si Annie nalang ang natitira na subsob parin sa trabaho.

Nagpabili ako ng pizza kay Tommy para sa dinner namin. At ng matapos ng kumain ang lahat, sila ay nagbalak ng umuwi. Natira nalang ako at Annie. Nde ko sya pwedeng iwan sa dahilang ako ang magccheck ng ginagawa nya at ako ang magsasara ng reports ng buwang iyon sa aming departamento. Hindi ko sya kinakausap, ayoko syang abalahin kaya pinagmasdan ko nalang sya habang patuloy parin sya sa pagcompute at pagtatally ng sales.

Ngaun ko lang napansin na maraming pinagkapareha ang aking ex kay Annie. Parehas sila ng height, ng katawan, kutis at parehong palabiro. Biglang nanginig ang laman ko ng maalala ko ang aking dasal sa simbahan bago ako umuwi ng Pilipinas. Ito ba ang hiniling kong birthday bonus wish kay Lord? Nangiti ako, si Lord talga, matalinghaga at palibiro. Nde ko alam na sinagot na pala nya agad ang aking dasal nung nasa simbahan pa ako.

“Ay teka” bulong ko sa sarili ko. Ano ba itong iniisip ko! Nde naman ibig sabihin nito ay sya na nga ang sagot sa aking bonus na hiling. “Nde, nde! Wag kang umasa, Jorge. Dapat matuto ka na sa mga pinagdaanan mo, dapat maging mahinahon ka, wag magmadali” nde ako sigurado kung kunsensya ko ang kumakausap sa akin. Para akong hibang na ngingiti at biglang magseseryoso tila animo’y nasisiraan ng bait.

Magkagayon man, nde ko inaasahan na may konting kilig akong naramdaman sa mga naisip ko. “Si Lord talga napakasweet.” Natalo na ang aking konsensya na pumipigil sa aking kasiyahan. Inisip ko na talga na sya ang sagot sa aking dasal, tapos.

--

“Jorge?” nagulat ako sa tawag ni Annie. “Are you okay?” nagtataka nyang tanong sa akin. “Yeah, I’m fine. I just realized something.” Binigyan ko ng matalinghagang ngiti si Annie at inabot ang folder galing sa kanya. Sinuklian nmn nya ako ng isa ding ngiting makahulugan. Kumabog ay aking dibdib at nde ko alam ang aking gagawin. Nakaramdam din ako ng pananakit ng tyan parang may hangin na nde maipaliwanag.

“I’ll generate the report in QnE when you’re done.” Sabi nya habang kumakain ng pizza. Nakatingin pa rin sya sa kin, nahalata nya siguro na namutla ako at pinagpapawisan.

“Sandali lang” bulong ko sa sarili. “Bakit biglang nagkaganito ang nararamdaman ko? Umayos ka Jorge, umayos ka.” Nde maalis sa isipan ko ang huling dasal ko sa simbahan. Nde ako makapaniwala kung sya nga ba talga ang sagot sa aking panalangin. Kung sya man, napakamisteryoso talga. At bakit naman kaya nahimatay pa sya nung ibigay ang sagot na iyon?

“Okay, we’re done. Generate the report now and we’ll go home.” utos ko sa kanya. Inabot ko na din ang napirmahan kong reports at umupo sa tapat ng table nya at kumuha ako ng isang slice ng pizza. Pinagmasdan ko syang mabuti habang nakaharap sya sa computer at nagggenerate ng report. “Is there something wrong?” nagpapacute na tanong nya. Nde ko alam ang isasagot ko dahil na rin siguro sa gulat at sa kakaibang ngiting pinakita nya. “None, nothing. I’m just hungry I guess.” Pabiro kong sagot.

Nde ko maintidihan ang nararamdaman ko. May kilig, may ngiti, may saya. Pero bakit ngaun lang? Wala akong maisasagot dyan. Basta masaya ako, salamat sa Diyos.

“So, what’s your plan after this?” tanong ko sa kanya. Sabay na kaming kumakain ng pizza habang nag iintay sa computer na matapos at makapagprint.

“No plans yet. You?” sagot at tanong nya sa akin. “No plans either. But if I still have a time, I’ll go to Pavillion to watch movie, alone.” “Alone?! You really like movies, don’t you?”

“Yeah, and I can watch even if I’m alone.” parinig ko sa kanya. Sana umepekto ang pagpapacute ko.

“I can go and watch movie with you, if its okay.” tugon nya, umepekto nga ang charm ko. Hanggang tenga ang aking ngiti at nagkatawanan nalang kami.

--

Habang nasa sasakyan kami, nalaman ko na mahilig din pala syang maglibot tulad ko. Mahilig sya sa adventure at sa mga beaches. Nakarating na rin sya sa mga beaches ng iba’t ibang bansa sa asya at lalo akong naging interesado sa kwento nya ng sabihin nyang nakarating na din sya sa Boracay. Un nga lang, sa sariling bansa nya, nde sya masyadong nakakalibot. Kung ano ang dahilan ay nde ko alam, napakamisteryoso.

Narating namin ang Pavillion, habang naglalakad kami sa sidestrip ng mall, napansin ko na karamihan sa mga bars ay may mga kanya kanyang month-end promotion. Sa di kalayuan may biglang humarang sa amin, sinabing may promotion ang TGIF sa mga couples na tulad namin. Nagkatinginan nalang kaming dalawa ni Annie at nagngitian. “All you have to do is to sing a duet song and amaze the audience. If you do that, you will win a 3 day – 2 night stay trip for both of you to Tioman Island!” anyaya ng promoter.

“Come and let’s sing!” anyaya ni Annie. Nakupo, nde pa ako nakakaawit sa entablado sa tanang buhay ko, kumakanta lang ako sa loob ng banyo at ang mga sabon lang ang aking masugid na taga pakinig. “No, I can’t sing, I’m sorry” sagot ko nalang sabay kamot sa batok. “You don’t need to be a singer to amaze the audience?!” mabilis na pagbara sa akin ng promoter. At dahil sa nde maipaliwanag na dahilan, napa ‘Oo’ ako ni Annie.

Panay ang dasal ko na sana nde kami mapahiya at lumabas na katawa tawa. Lahat na yata ng santo natawag ko na ng bumalik sa akin si Annie. “Do you know what Zac and Vanessa sang in the rooftop?” tanong ni Annie. Nuong una nde ko nakuha kung sino sina Zac at Vanessa pero makalipas ang ilang segundong pag iisip, naalala ko na sa High School Musical nga pala sila. “Which one? ‘Can I Have This Dance?’” binalik ko ang tanong, hula lang nmn. “Yeah, you’re right! I never thought you like HSM?” tuwang tuwa at sobrang excited sya. “I watched it couple of weeks ago and I kinda like it..” nde pa tapos ang sinasabi ko ng hilahin nya ako papuntang stage. “Oh, hold on, I’m not sure if I know the lyrics.” pagtitigil ko sa kanya, baka sakaling magbago ang isip nya. Kinakabahan na ako, para akong maiihi na nde ko mawari. “Oh Lord, this is it” bulong ko sa sarili ko.

At dahil sa napanood ko na ang pelikulang High School Musical, may idea na ako kung pano nila kinanta iyon.

Nagsimula ang tugtog. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, nanlalambot, nanginginig, lalo na’t ang audience ay marami, nakatutok sa amin, tahimik at nag iintay sa mangyayari.

Si Annie ang unang umawit.

Take my hand, take a breath, pull me close and take one step. Keep your eyes locked on mine and let the music be your guide.

Ninamnam ko ang sinabi nya. Masasabi kong ‘instinct’ ang nagpapagalaw sa amin, sa una’y parang nde ko kayang gumalaw at parang wala akong lakas na ibuka ang aking bibig. Ngunit ng marinig ko ang mala anghel nyang boses nya, para akong isang alipin na naging sunod sunuran sa isang prinsesa.

Won’t you promise me, that you’ll never forget to keep dancing wherever we go next...

Nakatitig ako sa mga mata nya habang inaawit ito. Ito ang kauna unahang pagkakataong kumanta ako sa entablado. Nuong una lang kabado.

Sabay naming inawit ang chorus:

It’s like catching lightning the chances of finding someone like you, it’s one in a million the chances of feeling the way we do..

Nagtatakang may ngiting nakatitig sa akin si Annie, tila bang sinasabi nya na ‘I thought you don’t know how to sing’. Sya yata ang unang taong inawitan ko ng ganito. Walang kurap, walang palya sa lyrics, ramdam na ramdam ko ang bawat salitang lumalabas sa aking labi habang nag sasayaw ng konting waltz.

Nagpatuloy ang pag awit namin at nakakabingi ang sigawan at palakpakan ng mga tao.

Take my hand, I’ll take the lead and every turn will be safe with me” 

Bigay todo na ako sa pagkanta, wala na akong pakialam kung sintunado man o hindi. Hindi ko na din inintindi ang audience na nanonood, pakiramdam ko ay kaming dalawa lang nanduon at umaawit lang kami para sa isa’t isa.

Oh, no mountain’s too high enough oceans too wide, cause together or not our dance won’t stop. Let it rain, let it pour, what we have is worth fighting for. You know I believe that we were meant to be..

Nagsimula akong makaramdam ng kakaibang kibot sa aking dibdib habang hawak hawak ko sya sa kanyang baywang. Nde ko maipaliwanag, parang ang lyrics ay salitang nanggagaling sa puso namin. Puno ng kahulugan, malalim at tunay.

Magkahawak at nakatingin parin kami sa isa’t isa na para bang matagal na ang aming pinagsamahan. Napakagaan ng pakiramdam ko ng mga oras na iyon parang nasa alapaap at ayaw ko na syang pakawalan, corny mang sabihin pero totoo. Hanggang sa awitin naming ang mga luhing salita:

Can I have this dance? Can I have this dance?...

Malakas ang palakpakan at sigawan ng mga tao, ngunit nde ko na napansin masyado iyon. Kahit tapos na ang tugtog ay magkahawak at magkatitig parin kami sa isa’t isa. Nakangiti na tila ba kinikilig. Hinawakan nya ako sa aking pisngi at sinabing “We did it!”, “Yeah, thank you.” Sagot ko at dahan dahang naglapat an gaming mga labi.

Mainit, matamis, makahulugan na halik. Lalong nagsigawan ang mga tao, nde maputol putol ang palakpakan.

“Well I guess we have the winner for the Tioman Island trip!” sigaw ng emcee. Dun lang kami natauhan at namulat sa katotohanan. Tinanggap naming ang premyo at lumisan.

Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan.

“Uhm..” sabay kaming nagsalita. “Go ahead.” Sabay muli. “No, just go ahead.” Sabay na namang muli. Nagkatawanan kami. Alam kong nde sya galit sa ginawa namin, ngunit humingi parin ako ng paumanhin, “I’m sorry about..” inilagay nya ang kanyang hintuturo sa aking labi upang putulin ang aking sinasabi. “You don’t have to say sorry, I let you do it and it felt good.” Sinabi nya ito habang nakatingin sa akin.

Hinawakan ko ang kanyang kamay at inulit kong awitin ang isang parte duon sa kinanta namin kanina, “Take my hand, I’ll take the lead and every turn will be safe with me”. Wala syang tugon. Ramdam ko ang kilig, binigyan nya ako ng napakamakahulugang ngiti at dumantay sya sa aking balikat habang ako naman ay patuloy na nagmamaneho pauwi.

9 comments:

Unknown said...

After 10 years...

Hay! Sigh! Hay..

"sigh"

Gang ngayon nakangiti ako...
Hay... Sigh!

Ahihihi!

Master Ooqay said...

Hehehe, bakit ka nmn nakangiti?

Ayune!!

Unknown said...

Eh.. kasi yoko na mag tumbling!

Kaya "demure" ang drama na lang ng lola... ahihihi (demure)

Mr. Siopao said...

Sighh.............
Isa pa, sigh...........
(O tama na Siopao gaya-gaya ka na kay Christina! Wala kang originality!)

Tanging komento? Masaya ako!

Bakit? Napatunayan kong normal pa pala ako.

Bakit ulit? Kais marunong pa pala akong kiligin! (sarap)

Tao lang po... kinikilig din!
(may naalala kasi)

Ipagdarasal ko ang Chapter4... Sana... Sana.... basta....

♫♥♪ Can I have the last dance?... ♫♥♪
(umaawit habang yapos ang unan. toinks)

Bon Talampas said...

ahihi kinilig ako sa last part at hanggang ngayon eh nakasngiti pa ako! kasarap ma inlove oo! taragis!! awwww!! sana may ganyang story ang buhay ko at kung wala pa sana makagawa ako sa lalong madaling panahon! mamaya, bukas o kaya sa paguwi ko sa pinas! haaysss!

maganda ang HSM pero dko pa napanood wala kami copy ! pero kaganda ni vanesa napanood ko sa TMZ! tsaka si papa zack ka gwapo! awwww!

sya sya! gawa ka pa ng ganitong kwento para may kilig palagi!!

you did it perefectly! kaya pala can i have the last dance! clap clap!!

more! kwento mo yung trip nyu sa island ha hihih ^^ nadala? naghanap ng sequel? ahaha!


ge parekoi!! galing!!

Bons sa bonistation

Master Ooqay said...

Wow! Thank u naman sa mga papuri, hehehe..
Kinukulit ako ni Tina kung sino daw ba ung iniisip ko nung sinusulat ko un, sabi ko WALA! totoo naman eh, imagination ko lang yan, magaling tayo sa imagination eh, toinks! hehehe...

Thank you sa pagbasa ng mahabng chapter 3, sana wag kayong magsawa, hehehe.

Unknown said...

Ayan.. inulit ko basahin..

kaya...

Hay!! Sigh... Hay! Sighhhh... (mejo mahaba yan)

Teka hindi kita kinulit ah... nag tanong lang ako kung sino yung iniisip mo pero di kita kinulit.. di ako nangungulit..EVER.. NEVER, nagtanong lang eh... di nmn nangulit... tanong lang.. kulit na ba yun?? di naman ah.. tsaka di ako makulit... nag tanong lang... tanong lang... ok? isa pa.. di ako makulit.. tanong lang.. amp!

Hay... sigh... hay..

Ang lantod! bwahahaha

Bilis.. ano nangyari sa chapter 4? bwahhaha.. bilis...

admin said...

wow ganda... okay sige maniwala na ko na hindi yan talaga story ng life mo ;) inspired ka lang ng highschool musical :)heheheh... by the way napanood ko na yung 3rd maganda merong kilig part pero mas mature in a way compared sa dalawa na parang pacute effect lng hehehe... okay wait ko chapter 4 ha...

very well written by the way... keep it up who knows maipublish mo yang story mo... ganda :)

-rache
http://daredtohope.blogspot.com/

Master Ooqay said...

Wow! thank u sa mga comments. Sarap ma inlove ulet! hehehe.