Tuesday, November 11, 2008

Can I Have The Last Dance? Chapter 2

Chapter 2 : Past is Past.

 

“Hey Jorge!” tawag ng isang lalaki galing sa likuran. Si Joey pala kasama si Strauss. “Ano nangyari dun?” Tanong ni Strauss sabay turo sa labas. “Hinimatay, nde ko alam kung bakit, nainitan siguro.” Sagot ko sa kanya.

“Kumusta ang orientation? Kelan ka daw babalik dito?” sunod-sunod na tanong ni Joey habang umuupo sa tabi ko. “Okay naman ung orientation, pirmahan ng contract at pinakita sakin ung office. Bukas ang uwi ko ng pinas tas sa next Sunday ang balik ko dito, the next day trabaho na.” mahabang paliwanag ko. “Congrats pare!” bati nilang dalawa. “Salamat pare. Sige mauna na ako sa inyo, mag aayos pa ako ng gamit ko. Nagpunta lang ako dito baka kako may misa, kaso mamaya pa daw gabi.”

--

2pm ng lumapag ang eroplano sa NAIA, nalate ng isang oras ang flight dahil sa may nahuling pasahero sa immigration sa Kuala Lumpur.

“Mame!” sigaw ko. Kahit maliit ang nanay ko, sya ang una kong nakita kasunod ang tatay ko na naghihintay sa kabilang kalsada. Dali-dali akong tumawid tulak-tulak ang trolly. “Mano po” sinabayan ko na din ng halik at yakap sa dalawa. “Kumusta ka na? Kumusta ang byahe? Naku marami kang ikukwento ha!” tuloy tuloy sa sabi ng nanay ko. “Teka po, isa isa lang, dun na po  tayo sa sasakyan magkwentuhan, kumain po muna tayo at nagugutom na ko, hehehe” sobrang excited ang lahat, nde maipaliwanag ang kasiyahan na magkita kitang muli.

“Kumusta po ang bagong kasal?” tanong ko habang kumakain ng one day old at sisig sa loob ng sasakyan. Nirequest ko kasi na magbitbit ng pinoy food pagsalubong sa kin. “Okay naman sila, kumuha sila ng condo unit sa Ortigas, walking distance lang sa work nila kaya nde sila mapapagod kakabyahe at ng makatipid din sila.” Kwento ng tatay habang nagmamaneho. “Mabuti po un ng may tuluyan ako kapag kumuha ako ng POEA at pwede po tayong magovernight stay sa kanila.”

--

“Hello bunso!!” salubong sakin ng nakakatanda kong kapatid kasama ang asawa nya. “Musta ang bagong kasal?” unang bati ko naman sa kanila. “Eto okay lang, naglilihi na yata yang sanse mo eh, hahaha” tugon ng bayaw ko sabay turo sa sanse ko na para bang sinasabing tinotopak ito lagi.

Marami kaming napagkwentuhanan nung gabi na un at nasabi ko ngang may balak akong pumunta ng Sta. Rosa upang bisitahin ang inaanak ko at ng mabisita ko din ang mga dati kong kasamahan at mga madre sa Canossa School pati na rin si Ms. Joy.

--

“Sir Jorge!!!!” nagulat ako sa tilian ng mga dalagang tumawag sa kin pag pasok ko sa school. Aba, ang mga dating estudyante ko pala itong mga to. Nde ko na nakilala, mga dalaga at binata na. “Oi, kumusta? Buti naman natatandaan nyo pa ako?” pabiro kong tanong. “Ciempre naman sir, eh ikaw ang pinakafavorite teacher naming nung grade 5 kami eh” sagot ni Karen, ang isa sa pinakamakulet kong estudyante nuon.

Para akong artista nung mga oras na un dahil nagsimula na ding maglapitan ang ibang mga estudyante. Napuna iyon ng isang teacher na muntik ko ng nde makilala. “Sir Jorge, kumusta?” isang boses na nanggaling sa bandang likuran ko. “Hey Ms. Paulo! Musta na? Nde kita nakilala ah?! Musta ang inaanak ko?” sunod sunod kong tanong. “Okay naman, libot ka sa bahay mamaya after school para makita mo naman ang inaanak mo ha?! Halika, ipapasyal kita sa school, madami ng nagbago” hila hila nya ako, tuloy tuloy ang kwentuhan naming habang naglalakad kami.

Sobra akong nasabik na makabalik sa pinagtrabahuhan ko dati. Namiss ko ang school na to, namiss ko ang mga bata, mga madre, mga teachers at may isang tao akong talgang namiss ko.

May P.E ang mga high school students at halos lahat ay nasa gitna ng ground, nde ko alam kung anong activities ang ginagawa nila. May mga kumakaway sa kin na mga dati kong estudyante, nakakatuwa, nakakamiss talaga. Malaki na din ang pinag bago ng school na to. May bagong building na din para sa Intermediate sa tapat ng high school department.

“Sir Jorge, ikaw na ba yan? Kumusta ka na?” sigaw ng isang teacher, kilala ko ung boses na un. Biglang nanginig ang buong katawan ko at halos nde ko na maiikot upang makita ko ung taong tumatawag sa kin. “Ms. Joy ikaw pala” nabubulol na sagot ko. Nde ako makahinga sa sobrang kabog ng dibdib ko, lalo na ng makita kong malaki na ang tyan nya, buntis pala sya. “Kumusta na? Tagal nating nde nagkita ah, anong balita sayo? Kelan ka dumating?” sunod-sunod na tanong ni Joy.

“Ok lang ako, dadalawin ko sana ung inaanak ko, si Lorenz, eh dumaan na din ako dito sa school para bisitahin ang mga dati kong estudyante.” Nakangiti kong sagot pero sa mga oras na un, parang gusto ko ng umiyak, nanlalambot ako, nanghihina at naguguluhan.

Akala ko nakamove on na ako, akala ko tanggap ko na na nde talga kami para sa isa’t isa ngaun at kasal na sya at madadagdagan na ng isang anghel ang kanilang tahanan. Mali, mali pala ako. Gusto ko syang yakapin, halikan, kumustahin, angkinin. Gusto ko syang makasama, makausap, makatawanan. Maraming bagay ang naglalaro sa utak ko sa maikling minutong nagkatitigan kami.

Alam kong nababasa nya ang nasa isip ko kaya tahimik lang syang nakatitig sa kin. Bigla akong nahiya at iniba ang usapan. “Ilang buwan nayan?” tanong ko na nakatingin sa tyan nya. “6 months, huy, ninong ka ha? Ok lang ba sayo?” “Oo naman, sabihan mo lang ako kung kelan ang binyag, at uuwi ako.” Pabiro kong sagot.

Natameme kaming dalawa, halatang nakikiramdam sa isa’t isa. “Ah..” pautal kong tanong ngunit nagkasabay kami at naputol din ang sasabihin nya. Nagkatawanan nalang kami. “Cge, ikaw muna” sabi ko. “Itatanong ko lang nmn kung kumusta na love life mo? Kung ok lang?” nahihiyang tanong nya. Sweet parin syang magsalita, mahinahon at puno ng lambing. “Wala. Wala na akong nahanap na kapalit mo.” Sagot ko. “Oh, sorry naman, wag kang mag alala, mahahanap mo din ang karapat dapat sayo.” pagniniguro nya sa akin sabay tapik sa balikat ko.

“Sana nga.” Tugon ko naman na biglang nawala ang ngiti sa aking mukha. “O cge, balik muna ako sa class ko, baka nagkakagulo na ung mga bata. See u later.” Pagmamadali nya. Bumalik na sya sa klase nya at nde ko na sya nakita. Nde pa rin ako natitinag sa kinatatayuan ko, motionless eka nga. Para akong namatanda, blanko ang isip, tulala, nde kumikilos.

Nde ko parin matanggap na wala na sya. Nde yata nakabuti ang pagpunta ko sa dating lugar kung saan nagkaroon kami ng masasayang pagkakataon. Mas lalo kong sinisi ang sarili ko sa nangyari. Kami pa sana ngaun o di kaya, sya na siguro ang aking kabiyak ngaun.

Di bale, pagbalik ko sa Malaysia, magkakaroon ako ng bagong buhay, bagong career at sana bagong love life. Pipilitin kong maayos ang gusot ng aking nakaraan. At magsisilbing malaking aral ito para sa akin. Pinapangako ko sa sarili ko, kapag nakahanap na ako ng girlfriend, sya na ang magiging huli.

6 comments:

Unknown said...

Wah.. Sabi nga nila laging nasa huli ang pagsisi.. yaan mo parekoi.. magsisisi din sya ... pinakawalan ka! ahihihi

Ok lang yan! Ang sad naman ng Chapter 2! Amp!

Master Ooqay said...

Thanks sa comment!

Medyo melancholic-inspired writer ako eh, toinks!!

Kaya expect the worst ending!! BWahahahaha!!

Bon Talampas said...

parekoi! eto pala sinasabi mong post,diko na gets ung usapan natin kanina!

kay deacon jhoen ko nalaman ung link! awwts!

naunan ko tulog mabasa ang chpater2 haha dibali balik ako sa 1 after this.

ouches ang blog mo ha! ganunn talaga pag pinabayaan mo nawawala sayo! *joke hehe. tagal na nun naka move ka na nga eh kaya nga naman past is past! sa ngayon masarap nalang balikan ang mga ganun at sabi nga "pang blog" nalang so that others may learn from it!

keep on posting! makakarami tayo ng pocketbooks nya pag ganyan ng ganyan! awwts!

daming kwento ng buhay! masarap balikan! masarap pagusapan! di na masakit kasi tapos naman na...

bon

Mr. Siopao said...

[WARNING: Siopao in serious mode. Get ready with your tissue in case of a sudden 'nosebleed'.]

If this is a true-to-life story (as I'm wildly guessing that it is)....

* It's almost like looking into Jorge's heart and mind directly and seeing it's innermost core... where only him can enter... Hence, a privileged encounter for those who'll read.

* Only real and highly-charged emotional experiences can catapult us to writing like this. Yes, it may appear like a regular piece of romantic fiction but, in truth and in fact, this is a mirror of one's soul.

* Dear readers, I urge you to STOP, LOOK, and (really) LISTEN while reading this... like you're journeying into the unknown... read between the lines... for all you know, this may be your story or mine....

(One deep sigh...)

Master Ooqay said...

Wow! Touched nmn ako dun deacon. Pero sa totoo lang, kathang isip lang to. Maaring ginamit ko lang ang mga pangalan ng mga taong nasa paligid ko pero nde ito ang totoong nangyayari o nangyari.

Ok ok, hahaba kasi tong comment ko, gawa nalang ako ng bagong entry to explain everything.

Salamat sa pagdalaw! I really appreciate it.
Salamat Tina, Eric, Rachelle, Bon at Jhoen! I will post the chapter 3 this weekend. Nasa draft palang eh.

蔡賓增 said...

Uy special mentioned ba ako sa last comment ni Maste?r ako ba un o may kapananggalan lang? hehehe! anyway idagdag mo na ako sa isa mong mga masusugid na reader hehehe... Sana everyday may new publish hahaha para busog!